ANG BULOK NA SISTEMA – MGA TANONG PARA SA MGA BOTANTENG PINOY:
1.Aling bansa ang may mas maraming politiko, Pilipinas o Amerika?
2.Bakit kailangan ng Kapitan ng Baranggay na may sariling konsehales pa? Ano ang ginagawa ng mga konsehales ng bayan?
3.Ano ang responsibilidad ng mga konsehales na ito? May delineation ba? o tagapagbati lang sila ng nag-aaway?
4.Sino sa mga ito ang humahawak sa sports development, sa human resources, education, skills and development, sa health and environment, sa justice – meron ba? E sino naman sa budget and finance - meron siguro no?
5.Meron bang mission statement ang bawat baranggay? Gumagawa ba sila ng goals and objectives? Short term, medium term o long term? Ang bayan at probinsya, meron din ba?
6.Ilang baranggay/bayan/probinsya ang gumagawa ng mga fund raising drive?
7.Meron ba sa kanilang nag-iisip na mag-attact ng business investors sa kanilang lugar?
8.Anong plano meron sila para mabawasan ang unemployment rate?
9.Bukod sa pagkumpuni ng laging sirang daan, meron ba silang ibang project na kapakipakinabang para sa taongbayan at hindi para sa kanila lang?
10. Gaano ba talaga kahirap gumawa ng kahit katiting na improvement para sa baranggay/bayan/probinsya na hindi gagawing daan sa pangungurakot lang?
11.Ilang taon ng ganito ang Pilipinas? Patuloy ba tayong magpapaloko sa mga politiko?
12.Saan ba talaga ginagamit ang boto ng mga pinoy?