Sunday, December 6, 2009

Saint Andrew’s School (SAS) Grand Alumni Homecoming Dec. 29th, 2009

Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo mga kapatid na hindi ako makakarating sa nalalapit na pagtitipon ng mga Andreans at maging sa reunion ng Batch ’84. Ganunpaman, ako’y labis na nagagalak sapagkat si pareng Felipe Pagtakhan, Jr. at Roy Arimas na pawang taga rito sa malamig na ciudad ng Edmonton ay makapaghahatid ng mga balita sa inyo. Umaasa akong sa pamamagitan nila ay maging bahagi rin ako ng selebrasyon bagkus ay hindi sa pisikal na paraan. Sabik akong maghihintay sa kanilang pagbabalik dala ang inyong mga ala-ala na kanilang ibabahagi sa akin. MABUHAY ANG MGA ANDREANS!  MABUHAY ANG SAS BATCH '84!

No comments:

Twitter